
Gusto Ko ng Sigbin
Maraming ayaw si Santi, pero mas marami siyang gusto. Kapag di ito nasusunod, hihiyaw, iiling, at papadyak siya!
Gusto ni Santi manalo sa Petimpalak, ang kauna-unahang paligsahan ng mga alagang hayop sa paaralan. Wala naman siyang alaga, kaya iginiit niya kay Nanay na mag-ampon ng isang pambihirang alaga – ang sigbin. Nangako si Santi na aalagaan at sasanayin niya ang pambihirang alaga, ngunit laking gulat niya na humihiyaw, umiiling, at pumapadyak din ito kapag di nasusunod ang gusto.
Alamin ang kuwento ni Santi at kung paano niya naunawaan ang halaga ng responsibilidad sa tulong ng kaniyang alagang sigbin.
Para sa mga edad 9 pataas.